malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nanay at kinakasamang lalaki, huli sa pagpatay sa one year old baby (06/25)
Chikan suspect na lalaki, tumalon sa riles para makatakas (06/25)
Isang judicial scrivener huli sa charge na chikan (06/25)
Pinalabas na nagkasakit sa Pinas, huli sa health insurance sagi (06/23)
4 Vietnamese na lalaki na member ng akyat bahay, huli ng mga pulis (06/23)


Japanese mother, huli sa attempted murder charge laban sa 5 years old na anak

Dec. 14, 2016 (Wed)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Chiba Nagareyama City. Isang Japanese mother, age 35 years old, company employee ang hinuli ng mga pulis matapos na mapatunayang tinangka nitong patayin ang sarili nitong anak na babae, 5 years old sa pamamagitan ng pagpapainom ng gatas kung saan meron allergy ang bata dito.

Nangyari ang incident noong December 11 ganap ng 9AM sa bahay nila. Gamit ang straw, pinainom ng nanay mula sa milk pack ang bata, at dahil dito inatake ito ng allergy nya at nahirapang huminga at bumaba ang blood pressure. Agad na tumawag naman sa 119 ang nanay ng makita nyang malubha na ang condition ng anak nya. Ang bata ay nasa hospital pa rin now at malubha ang kalagayan ayon sa news.

Inaamin naman ng nanay ang charge laban sa kanya at sinabi nyang sya nga ang nagpa-inom ng gatas sa anak nya. Hindi daw stable ang pag-iisip nya at that time kaya nya nagawa ito.

Base sa police record, ang nanay na ito ay nag-report na rin sa mga pulis at child care center ng apat na beses simula noong April na hindi nya kayang alagaan ang kanyang anak. Subalit ayon sa result ng investigation ng child care center, wala namang problem sa bata at walang history na minamaltrato ng nanay ito kung kayat hindi nila kinuha ang bata.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.