malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




Dalawang Japanese zoo caretaker, kinagat ng lion (01/23)
Japanese father, pinatay ng anak gamit ang metal bat (01/23)
Gasoline stand naholdap, bentang 54 lapad natangay (01/23)
High school girl, natagpuang patay sa loob ng hotel (01/22)
Natutulog na 2 year old baby girl, namatay sa day care center (01/22)


2,300 Lapad cash, natagpuan sa nakolektang mga waste materials

Apr. 20, 2016 (Wed)


Kyoto City. Ayon sa news na ito, isang waste materials processing company ang nakapulot ng 2,300 lapad na cash mula sa kanilang nakolektang mga waste materials at ito ay kanilang ini-report sa Kyoto Police noong April 14.

Ang pera ay nakita mula sa mga basurang nakolekta noong April 13 ganap ng 7PM ng isang employee ng company. Nakita nya ang nagkalat na mga 1 lapad na papel na agad naman nyang ini-report sa kanyang syachou. Ayon sa nilabas na pahayag ng mga pulis kahapon April 19, ang mga money bill ay tunay at hindi peke.

Ayon pa sa mga pulis, ang pera ay maaaring naisama sa mga naipong waste materials noong April 7 to 8, at nakolekta mula sa Kyoto City at Uji City sa Kyoto metropolitan. Ang pera ay nakatago ngayon at hawak ng mga pulis. Base sa law nila, kapag walang nag claim dito after 3 months, ang pera ay mapupunta sa nakapulot na tao.