Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan May. 11, 2020 (Mon), 1,138 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last 2 weeks (May 4 to May 10) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.
(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 16,559 katao as of May 10. Umabot na rin sa 646 katao ang naitalang namatay at 8,944 katao naman ang gumaling (As of May 10). Overall, nakikitang bumababa ang bilang ng mga infected sa coronavirus dito sa Japan sa ngayon.
(2) SCHOOL CLOSURE: Ang mga school karamihan ay nananatiling sarado sa ngayon at maaaring manataling sarado ito dahil sa pagka-extend ng State of Emergency until May 31.
(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Marami ng mga local municipality dito sa Japan ang nag-umpisang mag-process ng application ng 10 lapad na financial assistance lalo na sa mga lugar na mababa ang population. Meron ding mga news na lumalabas sa ngayon na pinag-aaralan ng mga mambabatas ang second wave ng financial assistance na gagawin para sa mga nawalan ng work, para sa upa ng bahay at para sa mga student.
(4) MASK SUPPLY: Dumarami na sa ngayon ang maaaring mabilhan ng mga mask maliban sa mga drugstore subalit ang presyo naman ng mga ito ay nanatiling mataas na halos ten times ng original price nito bago mangyari ang coronavirus crisis.
(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Ang travel ban advisory ay nanatiling in-effect pa rin sa ngayon at wala pa silang nilalabas na specific date kung kelan ito matatapos. Nanatili rin ang quarantine advisory para sa mga papasok dito sa Japan as of now.
(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang mga major tourist spot, and theme park dito sa Japan ay nananatiling sarado sa ngayon at ang iba ay planong mag-open matapos ang State of Emergency kung sakaling bumalik na sa normal ang lahat.
(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Naglabas ng pahayag ang Prime Minister ng Japan na extended ang State of Emergency until MAY 31 noong MAY 4. Subalit maaaring ihinto nila ito agad sa mga lugar or prefecture na wala ng lumalabas na infected ng coronavirus. Maglalabas sila ng decision tungkol dito by MAY 14 ayon sa mga news.
(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus. Inaprobahan naman na ng Japan Ministry of Health ang Remdesivir noong May 7 bilang kauna-unahang gamot na maaaring gamitin formally dito sa Japanpara sa medication ng pasyete na nasa critical condition lamang. Ang AVIGAN naman ay inaasahang maaaprobahan din within this month of MAY ayon sa mga news.
(9) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Patuloy na dumarami ang mga private message na natatanggap namin dito sa Malago mula sa mga kababayan nating nagtatanong about financial support dahil sa nawalan o tinanggal sila ng work. Marami pa ring kababayan natin na tourist at family visit visa ang na-stranded dito sa Japan dahil sa walang makuhang flight pauwi ng Pinas.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|