Documents na dapat nyong itago kung kayo ay meron asawa/anak na Japanese Jan. 22, 2015 (Thu), 2,141 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Mula ng nag-start ang MALAGO Community homepage, di ko na mabilang kung ilang tao na ang nag-sent ng message na nagtatanong kung paano sila makakabalik here sa Japan, kung paano mahabol ang Japanese father ng kanilang mga anak, kung paano maaayos ang kanilang mga divorce, at kung ano-ano pa.
Karamihan sa kanila ay gustong maayos ang mga documents, makabalik dito sa Japan, subalit hindi alam kung paano at san mag-uumpisa dahil karamihan sa kanila ay walang hawak na anumang documents na syang magagamit nila upang mahabol at maayos ang mga problemang dinadala.
Kung meron lamang sana silang hawak na mga documents about sa kanilang mga asawa at mga anak, magiging madali sana umpisahan kung paano mabibigyan ng solution ang kanilang problema. Subalit dahil na rin sa kanilang kapabayaan, kawalang-alam or maybe sobrang confident sa sarili na hindi mangyayari sa kanila ang sinasapit nila now, hindi sila nakapag handa at hindi man lang nakapag tago ng anumang document na makakatulong sa kanila now.
So sa mga kababayan po natin na meron asawa or anak na Japanese, imitation or fake man yan or hindi, kung ayaw ninyong magaya sa mga sinasapit ng ilang kababayan natin ngayon dahil sa kapabayaan nila, I recommend to all of you na magtago ng ilang copy ng mga documents tungkol sa inyong asawa at mga anak upang kung sakali mang magkaroon ng problem in the future, meron kayong hawak na documents na syang makakatulong sa inyo ng malaki at that time.
Remember na hindi kayo pakikinggan ng anumang sangay ng government kung salita lamang at wala kayong ipapakitang mga document na nagpapatunay ng inyong mga hinanaing. So be wise enough po. Japan is a very document minded country. No document no processing of any legal matter para sa kanila.
Ilan sa mga documents ng inyong asawa at mga anak na makakatulong at dapat ninyong itago for future reference ay ang mga sumusunod. Please have a copy of it here in Japan at sa Pinas para makasigurado kayo.
- Family Registration (Koseki-Tohon)
- Marriage Certificate (Kekkon Todoke)
- Divorce Certificate (Rikon Todoke)
- Birth Certificate (Syussei Todoke)
- Residence Certificate (Juuminhyou)
- Japanese Passport (Ryoken)
- Adoption Papers (Youshi Engumi Todoke)
- Pension Insurance (Nenkin Hoken)
- Health Insurance (Kenkou Hoken)
- Bank Account (Ginkou Kouza)
At iba pang sa tingin ninyo ay mahalagang documents tulad ng mga school records, mga memorandum at mga announcements.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|