malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Recent Info


Latest News



Compensation for kids, due to accident in school or nagpakamatay dahil sa bully

Sep. 02, 2016 (Fri), 5,481 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Recently, maraming nababalita here in Japan about sa mga nagpapakamatay na mga bata, so I think you should know this information kung sakaling mangyari ito sa inyong mga anak.

Para sa mga magulang po dyan na meron mga batang pinapag-aral here in Japan, you should know this. Did you know that here in Japan, meron natatanggap na financial support ang mga parents kapag ang anak nila na nag-aaral in school ay na-accident habang sya ay gumagawa ng any activity within school jurisdiction and supervision, or just in case na nagpakamatay ang bata dahil sa bully?

This is called 災害共済給付 (SAIGAI KYOUSAI KYUUFU) "Mutual Aid Disaster Insurance" and manage by Japan Sports Council (JSC) or other agencies. Sa ngayon, ang sakop lamang nito ay mga students below Junior High School, subalit nagpanukala na rin na baguhin ang batas at isali na rin ang mga Senior High school students. Ang benefit na matatanggap na ito ay hindi lamang para sa mga accident na nangyari sa school kundi kasama na rin ang mga nagko-commit ng suicide na mga bata.

To be more clear, kapag ang anak nyo ay nasugatan during class lecture, nagkasakit sa pinuntahang excursion, nahulog, nadapa or nasugatan during physical education, na-aksidente habang papasok na ng school, nahulog sa hagdanan sa school, nagka heat stroke dahil sa school activity, nasiraan ng tyan dahil sa kinain sa school at marami pang iba. Ano mang case of accident at ito ay nangyari within the school or connected sa school na pinapasukan ng bata, maaari syang makakuha ng financial support.

Sa mga nagpapakamatay namang bata na ang reason ay mainly connected sa school lalo na ang mga bully, meron namang matatanggap na MIMAIKIN (Abuloy) ang family ng bata bilang support din.

Upang makatanggap ng benefit na ito, you should register on it first. Mostly nagbibigay po ng information ang school about it kapag start ng pasukan. Ang bayad ay wala pang 500 YEN for one whole year. Mostly ina-advise ng school sa mga parents na sumali about it para sa kapakanan ng mga bata. Para sa mga possible na matatanggap na amount, the school will also give you information about it.

For more details about it, click the link below and go to JSC official website.
http://www.jpnsport.go.jp/anzen/saigai/tabid/56/Default.aspx



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.