KAIGO (Careworker) Visa application guidelines, inilabas na ng Immigration Mar. 11, 2017 (Sat), 7,182 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin na nakapag-aral at nakatapos ng CAREWORKER dito sa Japan, this is a good news for you dahil pwede na kayong makapag-apply ng KAIGO VISA to work and stay here in Japan legally for good.
Ayon sa information na ito, inilabas na noong March 8 ng Japan Immigration ang guidelines sa pag-apply ng KAIGO VISA na bagong type na visa na naisabatas last year 2016. Inilabas nila ang flow kung ano ang kailangan gawin ng isang applicant para maging eligible sa pag-apply nito, at ang mga kailangang documents din.
Ayon sa kanilang guidelines na inilabas, upang maging valid kang applicant nito, kinakailangan mong nakapasok here sa Japan at nakakuha ng STUDENT VISA before at nag-aral ng isang course related to careworker sa isang legal na school for more than 2 years, then pasado sa national careworker examination of Japan. After completing the course, pwede kayong mag-apply ng change of visa from STUDENT VISA to KAIGO VISA, then work as a careworker saan mang company, institution o facilities na gusto ninyo.
Kung meron ka ng KAIGO VISA, pwede rin ninyong apply ang inyong asawa at mga anak ng KAZOKU TAIZAI VISA (FAMILY STAY VISA) para makasama ninyong manirahan dito sa Japan.
Sa mga needs namang document sa pag-apply ninyo ng KAIGO VISA, kailangang ang application form, picture (size 4cm x 3cm), passport or residence card, careworker scholastic record and diploma, careworker license, employment contract from company/facility your are working, and information (pamphlet, license, etc.) ng company/facility.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|