Student visa for elementary and high school, just started January 1, 2015 Mar. 08, 2015 (Sun), 3,484 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga meron maliliit na bata, anak or pamangkin man, maybe this is your chance para mapapunta ninyo ang mga anak ninyo sa pagkadalaga or pagkabinata kahit na hindi na kayo dumaan sa mabusising adoption procedure.
As of now, kadalasan na ginagawa ng karamihan para mapapunta nila ang kanilang mga anak sa pagkadalaga or pagkabinata ay papuntahin dito as a tourist sa Japan with their Japanese partner as their guarantor. Stay here for a short period of time, at saka ginagawa ang adoption process para makapanatili ng matagal ang bata sa Japan kasama ang Pinoy parent nila. Same din sa mga meron pamangkin na nais nila papuntahin sa Japan
Sa pag-start ng bagong rules na ito sa pagbibigay ng STUDENT VISA, kung saan hindi lamang para sa higher education level (college and vocational), meron ng possibility na mapapunta ninyo ang inyong mga anak or pamangkin na gustong papag-aralin dito sa Japan dahil ibinababa na ng immigration ang pagbibigay nito sa Elementary at Junior High School level.
Ibig sabihin nito, as long na ang main purpose ng bata ay para mag-aral sa Japan elementary man or high school, mapagkakalooban sya ng Student Visa ng immigration upang magawa ng bata ang main purpose or activity here in Japan at yon nga ay ang pagiging student.
Kung paano ninyo mapapag-aral dito ang inyong anak or pamangkin, unang-una ay dapat muna kayong maghanap ng school na mapapag-aralan ng bata. Hanapin ninyo ang mga school or institution na tumatanggap ng foreigner student dahil ang school or institution na mga ito ang syang magbibigay ng kailangang documents para makapag-apply kayo ng Certificate Of Eligibility (COE) for Student Visa application sa Pinas.
Subukan ninyong magtanong or mag-inquire sa mga public school na malapit sa lugar ninyo, or maybe sa school na pinapasukan now ng mga anak ninyo kung tumatanggap sila ng mga foreigner student na nasa Pinas pa. You should do this, dahil pwede nyo rin itanong kung ang tuition ng bata ay magiging libre rin katulad ng mga student now in Japan. Kung magiging libre ito, malaking tulong ito sa inyo dahil wala kayong babayaran na tuition fee at mga miscellaneous fee lamang.
Itanong nyo rin what will be the procedure for the enrollment ng bata para makapasok sa school at higit sa lahat, kung makakapag-provide ba sila ng mga documents for your COE application upang makapunta ng Japan ang bata. That way, magiging madali na para sa inyo ang pag-process ng visa ng batang papasok here dahil COE application lang gagawin ninyo in Japan side, at Student Visa application naman in the Philippine side.
Now, kung bakit ibinababa ng immigration ang kanilang guidelines sa pagbibigay ng student visa to elementary and high school, malaki raw ang connection nito on their population and manpower labor problem sa darating na mga taon. By the year 2050, sinasabing ang Japan ay magkukulang ng mahigit 10 Million manpower at kinakailangan nilang punan ito upang mapanatili ang kanilang economy. Kung hindi nila ito gagawin, patuloy na lulubog ang economy ng Japan. This is the main reason also kung bakit pinag-iisipan nilang maging open na ang bansa nila for immigrants. Subalit maraming mamamayan ang hadlang dito dahil sa magiging epekto nito sa peace and order ng bansa nila. As of now, gumagawa sila ng maraming pagbabago sa kanilang immigration rules and guidelines upang maging madali ang pagpasok ng mga foreigner na gustong mag-work at manirahan dito sa Japan.
As one of their counter measure, magiging manpower ng Japan ang mga batang mag-aaral ngayon sa bansa nila at magiging priority nila ang mga batang ito dahil nakapag-aral nga dito sa Japan, alam ang kanilang custom and culture, and can speak Japanese. So, it will be a big advantage for them. By the year 2050 ang mga batang ito ang magiging additional manpower nila.
So, if you have plan na kunin ang inyong mga anak sa pagkadalaga or pagkabinata, mga pamangkin ninyo na maaaring maging kasama at maging kalaro ng inyong anak dito sa Japan, try to inquire and consult sa immigration for the details if you want. You can also go to the city hall kung ang mga school sa lugar ninyo ay tumatanggap ng foreigner student like your kids at kung ano ang magiging tuition fee. So you can either go to immigration, city hall and school for the details about it. Magiging iba iba ang guidelines ng school about this for sure lalo na sa mga private compare to public schools.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|