malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Recent Info


Latest News



Taxi driver in Japan, hindi pwedeng tumanggi sa pasaherong gustong sumakay

Aug. 23, 2016 (Tue), 3,956 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga nandito sa Japan, lalo na sa matagal na mga naninirahan, naranasan nyo na bang tanggihan kayo ng isang taxi driver na pinara nyo upang sumakay sa kanila patungo sa lugar na gusto ninyong puntahan? I think most of us here ay hindi pa siguro nakaranas na tanggihan ng isang taxi driver na isakay.

Kung meron kayong nakitang isang taxi at ang nakalagay sa window nila ay "空車 (KUUSYA)" or EMPTY CAR, at pinara nyo sila subalit hindi ito huminto, pwede nyo silang reklamo at mag-file ng charge laban sa kanila dahil ang ginawa nila ay against sa law and rules nila.

Actually, dito sa Japan meron law na sinusunod ang mga taxi driver na hindi sila pwedeng tumanggi na walang valid reason para hindi isakay ang isang pasahero dahil lamang sa ayaw nila, wala sila sa mood, hindi nila type ang pasahero at ano pa mang personal na dahilan. This is punishable ayon sa batas nila.

Ayon sa Japan Road Transportation Law Article 13, nakasaad sa batas nila na bawal tumanggi ng isang pasahero requesting for a ride to them ng walang valid reason or dahil lamang sa mga pangsarili nilang dahilan.

Ang mga taxi driver ay pwede lamang tumanggi sa request ng isang pasahero na gustong sumakay sa mga cases na sumusunod: (1) Kapag tumatawad ng half price na pamasahe ang pasahero. (2) Kapag over sa limit na bilang na pasahero ang gustong sumakay. (3) Kapag ayaw bayaran ng pasahero ang bayad sa highway na maaaring daanan nila. (4) Kapag nag request ang pasahero na dumaan sa isang daanan na one way lamang or nagpa-guide sa mga lugar na something illegal tulad ng bilihan ng mga drugs. (5) Kapag kinakailangang dumaan sa mga lugar na meron sakuna tulad ng lindol, baha at iba pa. (6) Kapag meron dalang dangerous materials ang isang pasahero tulad ng gasolina at iba pa. (7) Kapag hindi masabi ng pasahero ang lugar na gusto nitong puntahan lalo na kapag lasing.

So, ito ang mga ilang valid reasons lamang na pwedeng gamitin ng isang taxi driver para hindi nila kayo pasakayin. Other than this, at ayaw nila kayong isakay lalo na during emergency, pwede ninyo silang report kung gugustuhin ninyo at mag-file ng charge laban sa kanila.

Kung ayaw or hindi pwedeng magsakay ng pasahero ang isang taxi driver, basically naglalagay sila ng sign sa front window nila tulad ng 迎車(GEISYA) means "taxi en route to a customer", 回送(KAISOU) means "out of service", 降車(KOUSYA) means "unloading passenger" at marami pang iba. Pwede lamang silang magsakay kapag ang nakalagay na sign ay "空車 (KUUSYA)" or EMPTY CAR, so remember this KANJI.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.