Iwasang maging biktima ng mga online business and investment na nagkalat ngayon Oct. 27, 2015 (Tue), 2,232 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
I decided to write this info and post it here para makapag bigay ng babala sa marami nating kababayan particularly yong mga nandito sa Japan about sa dumaraming case na naging biktima ng mga online investment and business na ito. Recently dumarami ang nagpapadala ng message sa amin here asking for help and some legal advise kung paano nila mababawi yong perang inilabas nila para makapag-join sa mga investment na ito. Some are also asking kung paano sila makakapag-file ng case laban don sa taong nanloko sa kanila at kung ano ang mabuting gawin.
Di ko na babanggitin kung ano-anong mga investment company ito dahil karamihan sa mga ito ay alam nyo na rin. Madalas ninyo makita before ang mga pictures ng mga taong meron hawak na mga lapad lapad na pera at ginagawa pang pamaypay sa FaceBook. Pero recently, biglang nawala ang karamihan, I wonder kung na-block ang mga ito sa FaceBook, subalit meron na namang mga bagong naglalabasan kaya mag-iingat po kayo at pag-aralan nyo munang mabuti kung tama bang mag-invest kayo dito.
Ayon sa mga nagpadala ng message here sa amin, gusto na nilang bawiin or refund ang kanilang ipinasok na pera bilang investment na pwedeng refund daw bago pa sila sumali. Subalit hindi na ito maibalik sa kanila. Ang tanong is, paano pa maibabalik sa inyo ang perang pinasok ninyo kung ito ay pinag hati-hatian na ng mga members na nasa unahan ninyo? Pyramid type investment is always like this. Ang kawawa lagi here ay yong mga nasa hulihan. So kung wala ka namang maipapasok, or wala kang network of friends na magiging biktima mo rin, mas better na wag kang sumali sa mga ganitong investment dahil hindi po kayo makakausad at yong perang pinasok mo ay hinding hindi nyo na rin makukuha. So in the end, yong perang inipon mo ng pakunti-kunti ay bigla na lamang nawala sa isang iglap tulad ng mga nagtanong sa amin here na ang iba ay kumuha pa ng more than one slot.
Hwag na hwag kayong papadala sa mga matatamis na salita ng sinomang mag-aalok sa inyo na kikita kayo agad ng malaki sa pamamagitan ng pagsali ninyo sa group nila at pagbayad ng membership fee or pag down ng initial payment. Isipin nyo muna at pag-aralan ang system nila bago kayo maglabas ng pera. Ang investment ay parang sugal yan, hindi mo alam kung mananalo ka or matatalo, pero katangahan na lang ang mag-invest at maglabas ng pera na alam mong matatalo ka na sa pagpasok or pagsali mo pa lamang.
Sa mga nabiktima naman, pwede po kayong mag-file ng case laban sa taong nanloko sa inyo. Ang pwede nyong file na kaso ay SAGI siguro which means SWINDLE po. Dito sa Japan, marami ang mga ganitong klaseng kaso po na kadalasan ay hinuhuli ng mga pulis lalo na kapag malaking pera ang kasangkot. Kung meron kayong pamgbayad sa service ng attorney pwede kayong lumapit sa mga public attorney tulad sa HOUTERASU para makapag-file ng legal charge.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|