Pwede bang magtrabaho ang isang Family Stay (KAZOKU TAIZAI) Visa holder? Feb. 12, 2016 (Fri), 5,522 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang sagot dito ay YES. Pwedeng magtrabaho ang isa ninyong kapamilya na napapunta nyo dito sa Japan holding a FAMILY STAY VISA (Called KAZOKU TAIZAI in Japanese), sa condition na dapat ay meron syang permit na kunin muna sa Immigration. Ang tawag sa permit na ito ay SHIKAKUGAI KATSUDOU KYOKA (Meaning, a permit na allowed kayong makapag-engage sa ibang activity na hindi sakop ng visa na hawak ninyo). Once na meron na kayo nito, you are legal to work in Japan. Kaya lang ang working time na allowed ay same lang din ng mga STUDENT VISA HOLDER. Ang allowed lamang ay 28 HOURS per week.
Be sure na bago kayo mag-start mag-work ay meron na kayong permit na hawak para maiwasan ang anomang problem. Ang permit na ito ay madali lamang makuha, and mostly ito ay inaaprobahan ng immigration. Remember that kahit na meron kang permit na ito, hindi allowed ang pagtatrabaho sa mga club or omise, or any same working place or job. Ito ay illegal at maari kayong mahuli kapag na-check kayo ng immigration kahit na meron pa kayong permit.
Remember that FAMILY STAY VISA is allowed to work bastat makakuha kayo ng permit, pero ang mga TOURIST VISA holder ay bawal po at hindi allowed.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|