Careworker Visa (KAIGO), bagong pag-asa sa nais makapag-work ng legal dito sa Japan Nov. 13, 2016 (Sun), 3,400 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa article na ito, sa ngayon dumarami ang mga nag-aaral na foreigner dito sa Japan na kumukuha ng care worker courses. Ang reason dito ay ang pag-dagdag ng bagong type na WORKING VISA ng Japan government at ito ay inaasahang maaprobahan na rin sa mataas na kapulungan upang malutasan ang lumalaking problema nila sa kakulangan ng mga manpower sa medical field.
Dumarami na rin ang mga school na nagsasagawa ng bagong curriculum about sa careworker courses upang makapag-umpisa silang tumanggap ng mga foreigner student na gustong mag-aral dito sa Japan. Ayon sa data ng Care Worker Association of Japan, commonly nasa 20 student lamang ang kumukuha ng courses na ito yearly. Last year meron 97 students, and this year, bigla itong tumaas at umabot sa 257 katao. By country, 114 Vietnamese, 53 Chinese, 35 Nepalese at 28 na Pinoy.
Sa ngayon, ang mga nag-aaral na foreigner here in Japan ay hindi nakakapag trabaho ng tuloy tuloy kahit na makapasa pa sila sa care worker licensure examination dahil sa wala pang kaukulang visa tunkol sa work na ito. Subalit sa pagkakaron ng CARE WORKER VISA bilang isang legal na WORKING VISA, legal na silang makakapag trabaho here in Japan ng tuloy tuloy.
Sa mga pumapasok na nursing and caregiver worker here in Japan na galing sa Pinas under JPEPA, masyadong mataas ang hardle na ito at mahirap na makapasa sa examination kung kayat iilan lamang ang natitirang passers talaga. Kung kayat inaasahan na ang bagong visa na ito ang magiging bagong madaling paraan para sa mga nagnanais na makapag trabaho dito sa Japan bilang isang care worker.
Upang maging certified care worker, kinakailangan ang pag-aaral ng more than 3 years lamang. At kapag makapasa ka sa national licensure examination na ito, magiging madali na sa inyo ang makapag work here in Japan ng legal at tuloy tuloy. Sa laki ng needs and demand sa work na ito now and in the coming future, malaki ang possibility na magiging stable ang work ninyo kung inyong nanaisin.
So kung kayo ay meron mga kapatid, or kayo mismo na nagnanais na makapag work here in Japan ng legal at tuloy-tuloy, ang bagong visa na ito ay isang magiging option ninyo. Tandaan na ang Japan Immigration ay hindi nagbibigay ng working visa or walang type na working visa na binibigay nila para sa mga un-skilled labor (like factory worker, farmers, etc.). Ang CAREWORKER VISA na ito ay identified as skilled labor kung kayat legal na makakapag work ang sinomang makakuha nito dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|