malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Recent Info


Latest News



New policy and penalty in riding a bicycle here in Japan starting June 1, 2015

Jun. 24, 2015 (Wed), 2,980 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa mga naninirahan dito sa Japan at madalas na gumagamit or sumasakay ng bicycle be aware on this dahil sa kunti nyo lang pagkakamali ngayon at hindi pagsunod sa bagong rules and policy nila, maaari ka ng sitahin ng mga pulis at magbayad ng penalty or sumali sa kanilang training lecture program at kumuha ng examination.

Alaming mabuti ang mga ito at ipaalam at ipaliwanag sa inyong mga anak at iba nyo pang kasama sa bahay dito sa Japan upang maging aware din sila kung ano ang maaaring mangyari kung sila ay maharang ng mga pulis at the time na nakagawa sila ng violation.


ANO ANG MALAKING NABAGO SA BAGONG POLICY NA ITO?

Ang malaking pagbabago na nangyari ngayon sa policy ay ang paghihigpit sa implementation ng mga rules. Sa ngayon, ayon sa transportation law ng Japan, ang bicycle ay naka-categorize na LIGHT VEHICLES, kung kayat kapag kayo ay hindi sumunod sa batas, kahit na wala pa kayong license, pwede kayong hulihin ng authority.

Until now, kahit na magkaroon ka ng violation tulad ng hindi pagsunod sa traffic light, sasabihan ka lang ng pulis at hindi ka magkakaroon ng record dahil para rin sa kanila, malaking trabaho pa ang gagawing paghuli sa inyo dahil sa oras na gagahulin nila sa pag gawa ng report.

Mula ngayong June 1, 2015, magkakaroon na ng pagbabago at once na masita kayo ng mga pulis, they will record it as your offense bilang warning sa mga voilators at ayon sa mga pulis, they will implement it thoroughly.


ANO ANG PENALTY SA MGA VIOLATORS NG RULES NA ITO?

In case na meron kang na-violate sa rules now at nasita or na-check ka ng pulis, wag kayong tatakbo at dapat ay makipag-cooperate kayo. Pabibigatin nyo lang ang inyong violation kung kayo ay tatakbo.

Sa bagong policy now, kapag nakagawa kayo ng violation, hindi naman agad huhulihin or pagbabayarin ng pulis. Instead, sisitahin kayo at they will record it as your violation or offense. Then this is the important thing, IN THREE YEARS, at nakagawa kayo ng 2 offense, that will be the only time na ipapa-implement nila ang penalty para sa inyo.

Ang magiging penalty ninyo ay kinakailangan nyong mag-attend sa ginagawa nilang ROAD SAFETY LECTURE. This lecture ay tumatagal ng 3 hours, then meron silang examination na gagawin about the lecture para mapatunayan kung meron kayong natutunan or wala. Meron ding bayad ito na nagkakahalaga ng 5,700 YEN na parang lumalabas din na penalty amount na dapat mong bayaran.

Kapag hindi kayo kumuha ng lecture na ito, ang offense na nagawa mo ay magiging isang kaso na at maaari kang tawagin sa court at pagbabayarin ng penalty na mahigit sa 5 lapad. Kung patuloy mong hindi pinapansin ang request ng court, pwede ka ng hulihin ng pulis.


ANO-ANO ANG MGA VIOLATIONS KUNG SAAN IKAW AY SISITAHIN NG PULIS?

Maraming mga rules ang dapat mong tandaan kung ikaw ay nagmamaneho na gamit ang iyong bicycle. Subalit sa bagong policy na ito ang 14 RULES na ito ang magiging basehan nila upang mangsita ng mga violators, so alamin at lagi nyong tandaan ang mga ito.

1. Hindi pagsunod sa traffic light.
Isa sa pinaka-common na traffic rules at madalas na ma-violate ay ang rules na ito. Kapag red na ang light, never mag-attempt na tumawid dahil siguradong sisitahin kayo kung meron pulis. Kahit na magpapalit na ang kulay ng light, better na wag na ninyong tangkain pang tumawid para maiwasan ang accident.

2. Pumapasok sa mga kalsada or daan kahit na hindi allowed ang mag-bicycle.
Maraming mga one way na kalsada here in Japan. Kung nakita nyong one way lang at walang nakasulat na BICYCLE NOT INCLUDED (JITENSYA NOZOKU) hwag nyong tangkain na pumasok pa dahil siguradong sisitahin rin kayo.

3. Mabilis na pagmamaneho kahit na dumadaan sa pedestrian lane.
As a rule, kapag meron pedestrian lane at maraming gumagamit dito, ang bicycle ay dapat dumaan sa roadway sa gilid or left side nito. Kung kinakailangan nyo talagang dumaan sa pedestrian lane, make sure na mabagal ang andar ninyo at laging priority ang mga pedestrian.

4. Dumadaan sa hindi tamang lane or nagko-cross ng ibang lane.
Dito sa Japan, as a rule, you should keep LEFT pag nagmamaneho kayo ng bicycle. Never be in the right side of the road, or dumaan sa right side kahit na traffic ang dinadaanan ninyong lane. Always keep LEFT.

5. Pagiging sagabal sa mga pedestrian na dumadaan sa gilid ng kalsada.
Kung kayo ay dadaan sa isang gilid ng kalsada kung saan maraming dumadaan ding mga pedestrian, wag na wag kayong maging abala or harangan ang kanilang dinadaanan. Sisitahin ka rin ng mga pulis kapag nakita ka nilang ginagawa mo ito. Always mong tandaan na laging priority ang mga pedestrian.

6. Pagpasok sa crossing gate ng riles na nakababa na.
Kung kayo ay tatawid sa road na dinadaanan din ng mga train, wag na wag kayong tatawid kapag ang crossing gate or yong kahoy na nakaharang ay nakasara na. Sisitahin din kayo ng mga pulis, at kapag meron nangyaring accident, magiging kasalanan ninyo ang lahat.

7. Pagiging sagabal sa mga dumaraang priority cars.
Kung meron mga dadaang mga priority cars like ambulance at police car, wag na wag kayong magiging sagabal sa kalsada na dadaanan nila. Laging magbigay ng way para sa kanila dahil kung hindi, sisitahin din nila kayo sa violation na ito.

8. Pagiging sagabal sa mga lumilikong sasakyan.
Kung meron sasakyan na liliko ng kanan or kaliwa, make sure na hindi kayo magiging sagabal sa mga ito. Kung sakaling kayo ay tatawid or mag-cross ng kalsada at meron sasakyan na papasok or sasalubong sa inyo, make sure na tuloy tuloy lang kayo para hindi maging abala rin sa kanila. Mas bibigyan kayo ng priority ng mga car drivers as long na di kayo magiging abala para sa kanila.

9. Pagiging sagabal sa mga sasakyan na dumadaan sa mga rotonda/traffic circle.
Almost same in number 8, sa rule ding ito ay kinakailangan na hindi kayo maging abala sa mga sasakyan habang sila ay umiikot sa paikot na daan.

10. Hindi paghinto kapag meron sign na STOP.
Kung meron kayong makitang STOP or ICHIJI TEISHI in Japanese, make sure na hihinto kayo. Para makita nilang huminto kayo ng panandalian, kailangan ang mga paa ninyo ay nakatanggal sa pedal ng bicycle at isayad ninyo ito sa lapag. That way, makikita ng pulis na sumunod kayo sa rules na ito.

11. Pagiging sagabal sa pedestrian lane.
Kung kayo ay dadaan sa pedestrian lane, make sure na hindi kayo magiging sagabal sa mga dumaraang tao dito. Laging magbibigay ng priority para sa kanila. Para hindi maging abala at ligtas, mas mabuting bumaba kayo sa inyong bicycle at itulak na lamang ang inyong bisekleta kung dadaan kayo.

12. Paggamit ng bicycle na walang wastong preno.
Kung kayo ay sasakay ng bicycle, make sure na meron itong wastong preno sa unahan at likuran ng gulong at parehong gumagana ito. Kapag nakita ng pulis ng walang brake kayong ginagamit, siguradong haharangin na kayo. Kung gagamit din kayo ng bicycle sa gabi, make sure na meron itong sapat na ilaw.

13. Pagsakay sa bicycle kahit na lasing.
Same in car, dont drive when you drink and dont drink when you will drive. Hindi lang sa lasing ka, kapag nakita rin ng pulis na susuray suray ka sa pagmamaneho ng bicycle, sisitahin ka rin nila dahil they will identify it as dangerous driving.

14. Hindi pagsunod sa alintuntunin ng safety driving.
This is quite broad item. Meaning, kahit na wala sa policy at nakita ng pulis na ang ginagawa mong pagmamaneho ng bicycle ay delikado at maaaring magdulot ito ng accident, haharangin at sisitahin ka nila sa iyong ginagawa.


ANO-ANO PA ANG IBANG ACT NA BAWAL KAPAG GAGAMIT KA NG BICYCLE?

Maliban sa 14 rules na nabanggit sa taas, meron pang ibang pinagbabawal na madalas gawin ng mga karaniwang bicycle riders at madalas mo ring makita. Lagi nyo rin itong tandaan at wag na wag ninyong gagawin dahil karamihan sa mga ito ay napapaloob sa rules number 14.

1. Paggamit ng payong habang nagmamaneho ng bicycle. Kung umuulan, maraming gumagamit ng payong habang nagmamaneho ng bicycle. This act is also out. Pagnakita kayo ng pulis, haharangin kayo agad for sure. So make sure na wag kayong magpapayong habang nagmamaneho ng bicycle.

2. Bawal din ang mga meron back riders. Maliban sa mga bicycle na meron mga upuan para sa mga batang maliliit, pinagbabawal din ang pag-angkas sa likuran ng bicycle. Haharangin din kayo ng pulis kapag nakita nilang meron nakaangkas sa likuran or unahan ninyo.

3. Paggamit ng phone habang nagmamaneho ng bicycle at pati na rin ang paggamit ng earphone ay pinagbabawal din dahil kung naka-headset kayo, hindi nyo maririnig ang anomang busina ng mga car na maaaring papalapit sa inyo. Kaya iwasan din ninyo ang mga act na ito dahil haharangin din kayo ng pulis kapag nakita kayo.

4. Pagmamaneho ng bicycle ng magkasabay or in parallel. Madalas ninyo itong makita kapag ang magkaibigan, mag-classmate or mag-syota ay parehong naka-bike. Tumatakbo sila in parallel na delikado rin kung kayat ito ay pinagbabawal na rin now. Iwasan ninyong magsabay, kailangan nauuna ang isa at nasa hulihan naman din ang isa pa. Kapag nakita rin kayo ng pulis, haharangin din kayo at sisitahin.


ANO-ANO ANG MGA RISK NA MAAARING HARAPIN MO SA PAGMAMANEHO NG BICYCLE?

Ang pinaka-main reason kung bakit nagkaroon ng paghihigpit sa policy ng paggamit ng bicycle ay dahil sa dumaraming accident na dulot nito recently. Ayon sa Ministry of Transportation ng Japan, bumababa ang mga cases ng car accident recently, subalit ang mga accident naman in bicycle ay pataas ng pataas. Nitong nagdaaang 10 taon, almost nadoble ang bilang nito. At kadalasan na nasasangkot sa mga accident na ito ay mga bata at matatanda kung saan sila ang nagiging perpetrator.

Dito sa Japan, kapag ikaw ang nakabangga, dont expect na matatapos lang ito sa paghingi mo ng sorry lalo na kung serious damage ang inabot ng taong nabangga ninyo. Kapag umabot sa ganitong case, its a common thing na magkakaroon ng kaso sa court lalo na paghumabol ng bayad danyos ang nabangga ninyo.

Marami na ang cases kung saan ay umabot sa korte ang kaso at pinagbayad ang nakabangga ng daan daan or libong lapad pa. Meron ding mga cases na ikinulong ang nakabangga dahil sa mga cases na hit and run. Meron ding mga cases na dahil sa laki ng babayaran, habang buhay nila itong binabayaran ng paunti-unti. Meron din mga parents dahil sa anak nila ang nakabangga, kinakailangan na sila ang managot dito sa obligation na dapat ay sa anak nila.

So hindi biro ang maaaring mangyari at ito ang risk na dapat ninyong tandaan kung kayo ay hindi mag-iingat sa pagmamaneho ninyo ng bicycle. Kunting pagkakamali nyo lamang ay maaaring ikabago ng inyong pamumuhay at maaaring magbigay sa inyo ng pasanin o sa inyong anak hanggang sa paglaki nya.


PAANO MAKAKAIWAS SA MALAKING BAYARIN OR RESPONSIBILITY KUNG IKAW AY NAKABANGGA?

Para sa mga nag-nanais na maging safe at walang anomang iisipin na pag-aalala pa kung ano man ang mangyari sa pagmamaneho ninyo ng bicycle, it is recommended na kumuha kayo ng BICYCLE INSURANCE. This kind of insurance ang makakatulong sa inyo at the time na nakabangga kayo at nakapinsala ng tao.

Marami ngayong company na nag-ooffer ng service na ito. Maaari mo lang din sigurong idagdag ito sa insurance na meron ka ngayon at the same company para isahan na lang din ang processing.

Nasa sa inyo po ang pagpapasya nito kung gusto ninyong maging safe at makasigurado. Walang taong nakaka-alam kung ano ang possible na mangyari. So we need to have this kind of insurance para mabawasan ang mga worries natin.


Source: 道路交通法改正 MEDIA BOX (Japan Road Traffic Act Law)



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.