Ano ang Illegal Door to Door Remittance at ang penalty dito? Feb. 25, 2016 (Thu), 3,171 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
DEFINITION
This is commonly known as 地下銀行 (CHIKA GINKOU) or UNDERGROUND BANKING in English, na ang meaning ay ang pagpapadala or pag-remit ng pera outside Japan ng walang kaukulang permit base sa Bank Law of Japan. Karamihan sa mga ito ay hindi na kinakailangan pa ang personal info ng mga nagpapadalang tao, kung kayat kadalasan na ang gumagamit ng service nila ay ang mga overstayer ng walang visa or residence certificate.
Here in Japan, ang allowed lang na magpadala ng pera outside Japan ay mga banko at mga remittance company now na meron kaukulang permit base on Bank Law. Kaya lang, para ka makapag-padala ng pera, kinakailangan ang personal identification tulad ng passport at visa at ngayon ay MyNumber, which is malabong mai-provide ng mga overstayer kung kayat sa mga illegal door to door service sila umaasa. Subalit dahil sa mura ang bayad at mabilis na pagpapadala, marami ring mga nagpapadala dito kahit na hindi mga overstayer in Japan.
PENALTY
Kapag nahuli ang isang tao na gumagawa ng activity na ito, ang pwedeng ipataw sa kanyang kaso ay 銀行法違反(無免許営業) GINKOUHOU IHAN (MUMENKYO EIGYOU), which means Bank Law Violation (No Business Permit). Ayon sa law na ito, ang maipapataw na penalty ay 3 YEARS na pagkakulong at 300 LAPAD na multa. Maari pa itong tumaas depende sa laki ng perang nailabas mo sa Japan.
Hindi lamang ito, maaaring kasuhan din ang taong nahuli ng hindi pagbayad ng tax sa kinita nyang pera. For example, don sa nahuli sa news, mahigit na 200 M YEN ang naipadala nya, at sa bawat padala ay meron syang charge na 2,000 YEN. Halimbawa, 10 lapad ang average ng bawat padala, simple computation lang, lumalabas na meron syang kinitang mahigit 400 LAPAD which is hindi nya na-declare na income at wala syang binayarang tax tungkol dito.
POLICE OPERATION AGAINST UNDERGROUND BANKING
Before, bago naglabasan at dumami ang mga remittance company here in Japan, maraming mga gumagagawa nito. As I remember, kahit sa mga simbahan, makikita mo sila doon at nag-aalok ng service nila at common noon ang 1 lapad ay 500 YEN ang service charge. Meron din sa kanila ang madalas na magpadala ng pera noon sa mga taong uuwi ng Pinas bilang operation fund nila. Sasabihin sa inyo na maliit lang na halaga, yon pala ay lumalagpas na ng 100 LAPAD.
Then, noong nag-start na ang operation ng mga remittance company, marami sa kanila ang nahuli. I remember a time na sa isang araw ay marami akong nababasang news about this. Dahil sa takot, yong iba ay nag-stop na rin, subalit yong mga malalaki na ang network at maraming customer, sa panghihinayang siguro sa kinikita, pinagpatuloy pa rin nila hanggang sa mahuli sila.
Kung kayo ay kilalang nagsasagawa nito, at maraming mga customer na hawak, mag-ingat din kayo sa mga remittance company. Sila ay meron valid na permit at legal ang operation nila. Kahit na siguro sino, kung nagbabayad ka ng business permit at taxes, at nakukuha ng isang taong walang permit ang dapat na maging customer mong tao, you will file a charge or magsumbong sa kinauukulan para mabuhay ang business mo. Its just a common sense lang din naman kung iisipin mo. Kung gusto mong mag-operate, get a valid license otherwise stop mo ang pagkuha sa mga customer na dapat ay mapupunta sa isang remittance company. Pag di mo ito itigil, then you are in a risk na mahuli talaga.
Common thing sa mga taong nahuhuli dito ay ang malalaki ang network. Yong mga meron customer na hindi lamang sa loob ng isang prefecture or area nila, at meron pang galing sa ibang lugar. Then kadalasan na ginagamit ang banko para sa pagpapadala ng pera na gusto nilang ipa-remit sa Pinas, at hindi inaabot lang personally. Kung ito ang ginagawa ninyo, then mahuhuli nga kayo dahil ito mismo ang gagamitin ng mga pulis para mahuli at ma-trace kayo kung magkano ang amount na naipadala na ninyo sa Pinas.
Sa mga meron bank account here in Japan, natatandaan nyo ba kung tinanong kayo ng bank personnel noon kung anong bank account type at kung anong purpose o para saan ninyo gagamitin ito? Be aware on this. Kung ang binuksan mong bank account ay for personal savings lang, then meron mga pumapasok na malalaking amount na sunod-sunod from individuals dahil ginamit mo ito sa ganitong door to door remittance acitivity, then kahina-hinala na kayo. May mga time and situations na ang banko mismo ang nagri-report sa kinauukulan para paimbistigahan ka lalo na pag foreigner ka. Paano ninyo ito explain sa banko at mga pulis?
Kapag ginamit ng mga pulis ang bank account ninyo, makikita rin nila ang mga taong nagpapadala at maaaring makasuhan din ito lalo na yong mga gustong magka commission lang. Kaya kapag nahuli ang pinaka main operator, pati yong mga agent nya sa ibat ibang prefecture ay malaki rin ang possibility na madamay.
WHAT TO DO IF YOU WANT TO OPERATE?
Kung ginagawa po ninyo ito now, mag-iingat po kayo. Its just a matter of time para mahuli po kayo. So better to stop it. Kung malaki ang network ninyo at gusto nyo itong ipag-patuloy dahil nanghihinayang kayo sa maaaring kitain, you can do it legally. Pero getting a permit personally on your own is impossible to do. So, the thing you can do siguro is be a LEGAL AGENT ng mga remittance company now. Try to contact them and apply being an AGENT.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|